top of page
Search

Colgate namahagi ng PhP5 Milyon sa mga mag-aaral

  • Writer: Admin
    Admin
  • Oct 28, 2018
  • 2 min read

50 ESTUDYANTENG PILIPINO, NAGWAGI NG SCHOLARSHIP MONEY MULA SA COLGATE SCHOLARSHIP PROMO 2018

Kamakailan, nagbigay ang Colgate Philippines ng 5 milyong halagang award ng iskolarship sa mga estudyante sa buong bansa--- bilang bahagi ng Colgate Scholarship Promo 2018. Sa gayun ay maging maganda ang kanilang hinaharap sa pamamagitan ng pagtuklas ng karunungan o edukasyon.

Sa isinagawang pagpili mula Mayo hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon, nagbigay ang Colgate ng Php 100,000 sa kabuuang 50 nagwagi. Kung saan, ang mga ito ay nominadong iskolar na maaaring makatanggap ng scholarship money. Kabilang sa mapalad na nabigyan ng Colgate Scholarship Promo 2018 ay ang 15 taong gulang na si Noria, isang mag-aaral sa Bulacan, Amari, isang 3 taong gulang bata mula sa Cagayan at si Juliana, isang 12-anyos na estudyante sa Bianginan, Rizal. Samantala, sina Jojo Calapuan, na nakatira sa Cebu City at si Sidney Lanete, mula sa Davao City--- ay nabiyayaan ng scholarship money para sa edukasyon ng kani-kanilang mga anak.

“The Colgate Scholarship Promo is part of our company’s commitment to giveeveryone a ‘future they can smile about’by providing financial support to Filipino families and assisting them in the education needs of young students, who will become the future scientists, doctors, teachers, lawyers, engineers of this country,”pahayag Arvind Sachdev, General Manager, Colgate-Palmolive Philippines Inc., na siyang nanguna sa pagbibigay ng gawad na halaga sa mga iskolars.

Tangi rito, nangalap din ang Colgate ng mga nagwagi sa Luzon para sa awarding ceremony, kung saan ay naging masaya at puno ng sigla ang naturang aktibidad na idinaos sa The Mind Museum sa Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig. Ang mga iskolar, pati na ang kanilang pamilya ay nawili sa pagmasid ng mga kamangha-manghang exhibits sa nasabing museum--- at dinala sa isang Science Show upang mabigyan ng inspirasyon ang mga kabataan na ipagpatuloy ang pagtuklas ng karunungan at magpunyaging abutin ang magandang kinabukasan.

Kaugnay pa rin dito, naroron din sa nasabing okasyon ang ilang nagwagi sa 2016 at 2017 Colgate Scholarship Promo.

“Masaya po ako na nanalo akong scholarship mula sa Colgate (I am happy that I won a scholarship grant from Colgate),” pahayag ng 11-anyos na si Vince,Colgate Scholarship Promo 2016 scholar.

“Mas ginanahan po akong pumasok sa paaralan para abutin ang pangarap kong maging pulis balang-araw (Ibecame more excited to go to school in order to achieve my dream of becoming a policeman someday).”

Ang Colgate Scholarship Promo ngayong taon ay nakatanggap ng halos 174,000 entries, na kung saan ay nakapagtala ng pinakamataan na bilang ng entries kada araw sa ikatlong taon ng nasabing promo. Bukod sa grand prize na Php100,000 na scholarship money, namahagi rin ang Colgate ng Php500 National Bookstore gift certificates sa 500 nanalo at Php15 Prepaid Load sa 5,000 nagwagi.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Facebook page ng Colgate Philippines upang makita ang listahan ng mga nagwagi sa Colgate Scholarship Promo 2018.


 
 
 

Comentarios


bottom of page