top of page
Search

ITF Taekwon-do kumopo ng Ginto

  • Writer: Admin
    Admin
  • Jan 7, 2018
  • 2 min read

NAKATIPA ang koponan ng ITF Taekwon-do Philippine Contingent ng 1 Gold Medal, 1 Silver at 4 na Bronze sa isinagawang Asia International Taekwon-do Championship Open kamakailan sa Melaka Malaysia noong Dec. 28-30, 2017. Ayon kay G. Arthus Arboleda ang Presidente ng International Taekwon-do Federation Philippine Taekwon-do Union na s’ya ding tumayo bilang kinatawan ng Pilipinas bilang umpire sa nasabing palaro. “Sa mga unang araw nilang mga laro ay nakapasok ang bawat manlalaro sa semi-finals dahilan upang makasigurado tayo sa ikatlong pwesto at makapagwagi ng 4 na Bronze Medal na napagwagian naman nila Marielle Jane Montecillo 18 above (Female) Micro Blackbelt Division, Spring Gallarde 18 above (Male) Micro Blackbelt Division, John Vincent Pagado 18 above (Male) Micro Colored Belt Devision, Joel Gallarde 18 above (Male) Heavy Blackbelt Division. Kumpiyansa pa rin ako sa ikalawang araw na makasungkit ng Ginto, kaya naman nung nakapagwagi tayo ng 1 Silver ni John Ian Nisnisan ay tuluyan tayong sinuwerte sa huling laro ni Dann Mangabon na nakapagwagi ng 1 Ginto.” Samantala ayon naman kay Coach Rofelyn Corrales two time Gold Medalist sa Pattern Competition at Sparring noong 2015 “Hindi madali ang kanilang pinagdaanan sapagkat mahuhusay din ang mga manlalaro mula China, Singapore, Iraq, Uzbekistan at Malaysia. Kumpiyansa kami na mananalo sapagkat napag aralan na namin ang lahat at handang handa ang koponan namin.” Kaya naman nakapag uwi sila ng 1 Pilak mula kay John Ian Nisnisan ng 18 above (Male) Hyper Blackbelt Division at 1 Ginto naman mula kay Dann Remie Mangabon ng 18 above (Male) Micro Colored Belt Division. Umaasa naman ang ITF Philippines na makalahok at makahanap muli ng mga bagong manlalaro para sa susunod na Asia International Taekwon-do Championship Open na gaganapin naman

sa China sa susunod na taon. Lingid sa ating kaalaman ang ITF Philippine Taekwono-do Union ay mula pa noong 1969 na itinatag ni Grand Master Jhonny Morris Arsol Sr. at pinapangasiwaan ngayon ng kaniyang anak na nasa Italy na si Master Juanito Arsol Jr. ang Chairman ng ITF PTU. Ang ITF Taekwon-do ay iba sa Taekwondo na ating nakikita sa Olympics na ginagamitan ng Armor at Head Gear. Ang ITF Taekwon-do ay gumagamit lamang ng ITF Gloves at ITF Foot Guard na kahalintulad ng Light Touch Kick Boxing. Genard Villota


 
 
 

Comments


bottom of page