OCTOBER BIKEFEST 2017 – FUN RIDE AND DANCE WORK-OUT
- Admin
- Oct 19, 2017
- 2 min read
MULING mabubuhayan ang mga siklista sa pagpadyak sa Pavillion Mall Binan, sa Oktubre 29 sa taong kasaluyan sa tinaguriang OCTOBER BIKE

FEST 2017 – FUN RIDE AND DANCE WORK-OUT hatid sa atin ng ABJR Events and Talent Management Services, na inaasahang daragsain at lalahukan ng ibat-ibang grupo ng mga siklista na nagmula pa sa; Tanza Cycling Club, Mayor Melan De Sagun Group ng Trece Cavite, Carmona Robic Cycling Club at Knight Bikers, Mango Groove Group, GMA Bikers, para sa grupo ng Cavite. Darayo din ang grupo ng Linde Group ng Sta. Rosa, Barako Cabuyao, Boysikel grupo ng Sta Rosa, gayundin ang Siklab Group ng Laguna at Batangas, maging mga bikers mula sa Calamba, Sta Cruz, Pila, Alaminos, San Pablo, Dolores Quezon, Lumban at Lucena, Bukod rito, inaasahang papadyak din ang mga samahang siklista ng Iglesia Ni Cristo mula sa CALABARZON, Holy Cross Cycling Club ng Quezon City at mga taga Maynila at marami pang iba.
Ang event ay sinuportahan ng ibat –ibang mga establisyemento at mga kilalang mga tao tulad nina Hon. Binan City Mayor Arman Dimaguila at Vice Mayor Gel Alonte ganun din si Congresswoman Len Len Alonte. Sumuporta din ang mga konsehal na sina Kon. Echit Desuasido, Kon. Alvin Garcia, Kon. Liza Cardeño at upang mas mapasaya ay nagbigay ng FREE DANCE WORK-OUT para sa lahat si Brgy. Capt. Elmer Dimaranan ng Brgy. Sto.Tomas. Bibigyan din ng kulay ng mga ABJR Artist ang event na ito sa pamamagitan ng mga pag-awit at pagsayaw.
Layunin ng October Bikefest na mabigyan ng kaukulang benipisyo ang mga siklista makiki-isa rin ang isang butihing abugado na tutulong upang maisulong ang Magna Carta for Bikers na si Atty. Raymond Fortun. Maging ang Junior Chamber international (JCI) mula sa Binan at Alaminos ay tutulong din sa nasabing event.
Itinataguyod ng ECOMANA, INTELCO, FWD Life Insurance, Bicycle MD, Mance Bike Shop, Bike South – San Pedro, RRD Sportswear, Manyaman Gastropark, Swiss Side, BeerGin Wings, Asia Pacific Eye Clinic, WESCOR, 7-11 Team c/o Bong Sual, Kopiko 78 at Kopiko L.A. Coffee, AB Bautista Enterprises, Fast Think Transport, Ma-Art- Teh On-line Shop, Philmarie Mae Airconditioning, Red Logo, Purefoods Tender Juicy Hotdog, at T&J Salon. Kasama din bilang Media Partners ang DZJV 1458 Radyo Calabarzon, 8-Trimedia at Radyo Pilipinas ni Judith Caringal.
Comentarios