Barangay Chairwoman Arlene Divinagracia, Zumba panlaban sa droga
- Admin
- Oct 17, 2017
- 1 min read
Zumba, panlaban sa droga
ISANG beses ang Zumba sa isang linggo sa Brgy. 696, Zone 76, District 5 na ang adhikain ay magkaroon ang mga residente ng maayos na pangangatawan at higit sa lahat ay mailayo sila sa droga.
Pinamumunuan ni Arlene Divinagracia ang paglihis sa droga sa residente at kinasihan naman ng magandang kapalaran ay wala sila sa listahan ngmga nasasangkot sa droga at naparangalan bilang Oustanding Barangay sa buong kamaynilaan.
Nanguna bilang lider sa pagsayaw ay si Rotary Club of Robinsons Manila ay si Nar Montilla sinamahan ng Sangguniang pangbarangay sa pangunguna ni Merlion KB02 Gigi Gallenero at sa pakikipatulungan ni Merlion KBO6 Arnil Senoron, at mga residente na nakikilahok sa magandang programa ng nasabing barangay.
Nagkakaroon din sila ng mga fun runs, katulad ng Run for Life at Takbo, Tanim para sa kalusugan at kalikasan.
“Nagpapasalamat ako sa inyong walang sawang pagsuporta lalo na sa paglaban sa illegal na droga. Umulan o umaraw ay nandyan kayo para suportahan ako sa aking mga proyekto, lalo na sa ikagaganda n gating kalusugan tungo sa maayos na pamayanan.” Ayon kay Divinagracia makaraan ang kanilang pagsayaw ng Zumba.
Sinabi pa na “Habang nandito ako kasama ninyo ay magpapatuloy ang mga gawaing ito na hindi lang kalusugan ang ating makakamtan bagkus ang isang pamilya na may masayang pagsasama, maayos na pamumuhay at laging handa sa anumang sakunang biglang darating sa ating lugar.”

Komentarze